November 24, 2024

IMPORTED GALUNGGONG PAPATAY SA MANGINGISDANG PINOY – PING

Binatikos ni presidential aspirant Panfilo Lacson ang plano ng gobyerno hinggil sa pag-angkat ng 60,000 metric tons ng galunggong.

“Import pa more! After killing our farmers by importing vegetables and fruits, it is the turn of our fishermen to die,” saad niya sa Twitter.

Inanunsyo ang desisyon ng DA sa Laging Handa briefing noong Martes. Anila, mula ito sa pagtataya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nakitang mayroong 119,000 metric tons na kakulangan sa lokal na supply sa unang bahagi ng 2022 bilang epekto ng pananalasa ng bagyong ‘Odette’.

Pero tinutulan ito ni Lacson lalo pa’t mayroon nang mga nakalipas na desisyon ang DA na nagpapahintulot sa potensyal na korapsyon sa pag-import ng mga agrikultural na produkto tulad ng karne ng baboy, manok, isda at iba pang seafood items.

Una na ring sinabi ng mambabatas na hindi katanggap-tanggap na mag-import ng galunggong ang bansa mula sa China na binu-bully ang mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea.

“Because of the incursions of Chinese vessels, we are denied 300,000 metric tons of fish… If you divide 30 million kilos of fish by 40 kilos, that would translate to 7.5 million Filipino families bumibili from other sources na isda. That’s unacceptable,” aniya.