November 3, 2024

IMPEACHMENT COMPLAINT VS JUSTICE LEONEN, INIHAIN (Mabagal sa pagresolba ng kaso)

Tiwala si Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic Leonen na hindi papatulan ng mga mambabatas ang impeachment complaint na inihain laban sa kanya ni Atty. Larry Gadon sa Kamara.

Ayon kay Leonen, sa daming kinakaharap na krisis ngayon ng bansa, tiyak aniyang tamang desisyon ang gagawin ng mga mambabatas.

Ito ay lalo na’t wala naman aniyang basehan ang mga paratang laban sa kanya.

Sinabi ni Leonen na sa ngayon ay wala pa siyang natatanggap na kopya ng nasabing reklamo.

Sa impeachment complaint na inihain ni Atty. Gadon laban kay Leonen, ginamit nitong ground ang aniya’y hindi pag-aksyon ng mahistrado sa mga kasong hawak nito sa Korte Suprema.

Bukod pa aniya rito ang hindi paghahain ni Leonen ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Inakusahan si Leonen na hindi naresolba ang 37 sa 82 pending cases sa loob ng 24 na buwan na paglabag daw sa section 15(1) ng Article VIII ng Philippine Constitution.

Nakasaad ditong ang lahat ng mga kaso ay dapat maresolba sa loob ng 24 oras nang maisampa ang kaso sa SC.

Si Justice Leonen ay walong taon na sa SC  na isa sa tatlong natitirang appointee ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa walong taon na yan ay 82 yung kanyang backlogs na mga hinahawakang mga kaso.

Sinasabing dalawa sa mga hawak nitong kaso ay walong taon nang hindi naaaksiyunan.

14 cases daw dito ang hindi pa umuusad sa loob ng limang taon isang kaso ay pitong taong dina naaksiyunan, isang kaso 4 years, anim namang kaso ang tumagal sa loob ng 3 taon at siyam na kaso ang natulog ng dalawang taon.