NAGNEGATIBO sa COVID-19 ang mahigit sa 170 Bureau of Immigration officer na nakatalaga sa international airports sa Clark, Davao at Zamobanga.
Sa ipinadalang report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, sinabi ni BI Port Operations Acting Chief Grifton Medina na sumalang at nagnegatibo sa rapid antibody test ang mga nakatalaga sa tatlong airports.
Ang 128 BI personnel sa Clark airport sa Angeles City ay isinalang sa test noong June 23 ng medical team ng kapitolyo ng Pampanga.
Aabot naman sa 30 BI employees sa Davao City airport ay sumalang sa test noong June 7 habang 12 ang na-Covid test sa Zamboanga port noong June 18 ng mga medical frontliner mula sa lokal na pamahaalan.
Nilinaw din ni Medina ang mga BI personnel na nakatalaga sa airport sa Mactan-Cebu, Kalibo at Iloilo ay kinakailangan ding sumailalim sa rapid test.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA