
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang singer na si Imelda Papin bilang acting member ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Nanumpa ngayong araw si Papin kay Marcos sa Malacañang.
Gayunpaman, hindi nagbigay ng impormasyon ang Palasyo kung kailan itinalaga si Papin sa posisyon at iba pang detalye sa kanyang appointment.
Naging dating vice governor ng Camarines Sur si Papin. Sinubukan niyang tumakbong gobernador sa nasabi ring lalawigan noong nakaraang eleksyon pero natalo.
Bumalik na siya sa entertainment industry bago ang appointment niya sa PCSO.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon