Bumalik ang sigla ni dating First Lady Imelda Marcos nang magdiwang ng kanyang ika-93 kaarawan sa Malacañang, dalawang araw matapos manumpa ni Ferdinand Marcos Jr., bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
Ginanap ang birthday party para kay Imelda sa Rizal Hall sa loob ng presidential palace.
Sa larawan na ibinahagi ng pamangkin ni Imelda na si Ilocos Norte Rep. Angelo Marcos Barba, makikita ang First Lady na nakatayo habang katabi ng isang painting na iniregalo sa kanya sa nasabing party. Kapansin-pansin na nakakatayo na ang dating First Lady dahil madalas siyang nakikita na naka-wheelchair nitong mga nakaraang taon.
Ang painting na iniregalo kay Imelda, na mahigit apat na talampakan ang taas, ay naglalarawan sa pagmamahalan nina dating First Lady at sa kanyang yumaong asawa na si President Ferdinand Marcos.
Naka-pormal ang mga panauhin sa nasabing okasyon habang ang Pangulo ay nakasuot ng coat at red checkered polo.
Samantala, naka-puting long sleeved, naka-red skirt at Valentino na sapatos si Senator Imee Marcos, base sa larawan na ibinahagi ng kanyang anak na si Michael Manotoc.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA