Ipatatawag ng Senado si DSWD Secretary Rex Gatchalian patungkol sa sinasabing suhulan sa pagkalap ng lagda para sa People’s Initiative.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Senator Imee Marcos, pinuno ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation na siya ang nag-sponsor sa budget ng DSWD ngunit ngayon lang niya ito narinig.
Nabatid na ang AKAP O Ayuda sa Kapos ang Kita Program ay sinasabing napondohan ng ₱26.7-B sa ilalim ng 2024 national budget.
Aminado ang Senadora na hindi niya alam kung paano nakakalusot ang mga nabanggit na pondo kung saan mismong komite niya ay nalulusutan.
Kung siya lang aniya ang masusunod gusto na niyang tapusin ang mga pagdinig ngunit sa bawat pagdinig aniya ay maràming bagong pangalan at impormasyon ang lumulutang.
Samantala, muling pinanindigan ng Senadora na committed siya sa unity team ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Vice President Sara Duterte kaya apela niya sa mga pilit na sumisira sa magandang samahan ng dalawang lider na tigilan na ang mga paninira.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA