December 25, 2024

IMEE MARCOS ‘DI NATUWA SA DRAMA NI DUQUE (Ilabas totoong kwenta ng bilyong-bilyong piso na ibinigay sa DOH)

Pumalag si Senator Imee Marcos sa pagpasa ni Health Secretary Francisco Duque III ng sisi sa iba sa isyu ng naantalang allowance ng mga health worker.

“Tumigil siya! Ilabas niya ang totoong kwenta ng bilyon-bilyong binigay sa DOH, kausapin lahat ng health workers at ospital nang malaman ang utang ng DOH sa kanila,” giit ni Marcos.

Una nang pinuna ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang paninisi ni Duque sa iba.

“Higit sa lahat, tigilan ‘yang sagot na “I will look into it!” Ano yun, nagbubulag- bulagan siya sa mga kababalaghan dyan sa DBM-PS at DOH, na wala siyang nakikita, at titignan pa lang niya?! Tumigil siya!” punto pa ni Marcos.

Nitong Miyerkoles, tinalakay sa Senado ang overpriced na face mask at face shield na una nang kinwestyon ng COA.

“Sabi ng DOH pinamimigay nila sa LGU – sabi ng governors and mayors, binebenta ng DOH sa kanila, na di nila kayang bilhin at ang mamahal nga,” ani Marcos.

“Kaya di ma-liquidate itong P42.4-B kase andun pa sa bodega ng DOH at DBM-PS ang mga face mask etc. at inayawan ng mga LGU, ospital, atbp. Why does DBM-PS “sell” to DOH, and DOH in turn sell to LGUs? Ang labo!” dagdag pa ng senadora.

Ipagpapatuloy ang pagdinig sa Senado ukol sa mga isyu sa pondo ng DOH sa Agosto 25.