MAYNILA – Itinanggi na Sen. Imee Marcos na mayroong lamat ang relasyon nila ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos nitong punahin ang iba’t ibang polisiya ng kasalukuyang administrasyon.
“Hindi ako critic. Gusto ko lang ipaliwanag… Ang ginagawa natin eh naghahanap ng solusyon,” ayon kay Sen. Marcos.
Sa isang taon panunungkulan ng kanyang kapatid sa puwesto, tinutulan ng naturang senadora ang mga polisiya at inimungkahing batas, tulad ng ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership at ang planong pagdala sa mga Afghans refugee sa Pilipinas.
Pero ayon kay Sen. Marcos, inilalabas lamang niya ang kanyang opinyon para mapabuti ang administrasyon ng kanyang kapatid.
“Hindi naman sa pagkokontra, we’re trying to hammer out details… Makulit ako eh. Talagang gusto kong alamin yung detalye. Matagal akong executive… So I’m always concerned that a law should work… So kinukulit ko talaga sya,” saad niya.
Sinabi pa nito na mahal niya ang kanyang kapatid subalit idinagdag nito na nagkakaroon din ng hindi pagkakasundo tulad sa ibang normal na pamilya.
“Hindi kami nag-uusap nang madalas.., Minsan may sasabihin si Sandro, minsan papaabot ni Bongbong. Ganon. Minsan si Sandro nagsusumbong. Okay lang, normal kaming pamilya,” saad niya.
“I’m solid admin, no ifs or buts. I’m only here to protect the President and the family name. We fought hard and long for this and we’re deeply invested in making certain that the Marcos administration should work,” dagdag ni Sen. Marcos.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
4TH IMPEACHMENT COMPLAINT IKAKASA VS SARA DUTERTE
BARBIE FORTEZA AT JAK ROBERTO HIWALAY NA