HINDI napigilan ang grupo ng mga residente ng Iloilo City na ibulalas ang kanilang pagkadismaya sa umano’y lulalamang serbisyo ng elektrisidad mula nang itake-over ng MORE ang power distribution sa kanilang lungsod apat na buwan na ang nakalilipas.
Magpapasaklolo sana sa Supreme Court ang mga miyembro ng Ilonggo Consumers Movement o ICM para aksiyunan ang anila’y “abuse of power” ng MORE na pumipinsala sa karapatan nila magkaroon ng maayos na serbisyo ng Kuryente, bukod pa sa negatibong epekto nito sa ekonomiya ng Iloilo.
“This is no longer an issue that MORE is Capable of or interested in solving. The government must step in, otherwise, MORE will continue to abuse their power by depriving us of ours” wika ni William Espinosa, Founder ng ICM.
Ayon sa co-founder ng ICM na si Eduardo Cruz, pahirap sa mamamayan ng Iloilo ang 13 oras na brownouts halos araw-araw.
“The lights are out in Iloilo because of MORE, they are crippling us. Where in the Philippines will you see tens of thousands of households losing power for 13-hours because of ‘preventive maintenance’? Where else in the country is this happening again and again and again? ” dagdag ni Eduardo Cruz, co-founder ng ICM.
Saad ng grupo, dapat panatilihin ng Korte Suprema ang desisyon na nagsasabing iligal ang pag-take-over ng MORE sa distribution ulility.
Ayon sa Illongo consumers, nais din nilang iparating ang kanilang hinaing kay Pangulong Rodrigo Duterte upang gumawa ng hakbang at atasan ang mga kinauukulang ahensiya gaya ng Department of Energy at Enery Regulatory Commission (ERC) para sa patas at pantay na pagresolba sa lumalalang serbisyo sa kuryente sa Iloilo at para sa national government sa kabuuan upang tiyakin na walang partido na pinapaboran ng desisyon.
“If they will not listen to us, then we will appeal directly to the President, to Congress and to the Supreme Court so that they may intervene and save us from this disaster,” Saad ni Espinosa.
Nanawagan din sila sa ilang mambabatas na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa paglala ng sitwasyon sa kuryente sa Iloilo City, kabilang na ang ilang concern ng mataas na singil sa kuryente at maling pagsingil.
“Some of the bills are suspiciously higher than normal when our usage either hasn’t changed or has actually gone down. What’s worse is they can’t even send us our bills. They’ve been forcing us to go to them to collect the bills, exposing us to the virus, and in some cases, we wait in line for 5 hours only to be told they do not have our bills,” dagdag ni Cruz.
AGILA NEWS TEAM
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA