MATINDING esasperasyon at pagkadesmaya ang nararamdaman ng mga stall owners at vendors ng Taytay tiangge kay Mayor Allan de Leon matapos ang muling pagsulputan na parang mga kabute ng mga illegal vendor sa bangketa sa palibot ng Club Manila East Tiangge sa Taytay, Rizal.
Reklamo ng ilang mga nagbabayad ng buwis o mga negosyanteng nagbabayad ng kanilang mga buwis sa mga puwestong inooukpa, nasasapawan sila ng mga vendor dahilan upang mawalan ng mamimili ang kanilang puwesto.
“Hoy mayor Allan! Malaki na ba kinikita mo sa mga vendors na ‘yan na nagpuwesto sa bakod ng CME (Club Manila East) Tiangge. Hindi mo ba kami naisip ng mga tenant sa CME na nagbabayad araw-araw sa puwesto, may binayarang rights pa, nagbabayad ng business permit. Unfair na po!” ayon sa isang Bryan Gil sa kanyang Facebook post sa Subcon Taytay, Rizal page.
“Tapos pagsapit ng next year pinipilit n’yo kaming magbayad ng business permit sa munisipyo. Samantala ang mga vendors naman napupunta ang bayad nila sa mga bulsa ninyo! Wow galing naman,” dagdag pa ni Gil.
Hindi umano alintana ng mga nakapuwestong vendor na mayroon silang napeprehuwisyong legal merchants na nagbabawi pa lamang ng kita dulot ng pandemic.
“Sa Baclaran, Divisoria, Cainta at Antipolo ay wala ng vendors dito na lamang sa Taytay dahil kumikita ang mga nasa likod nito sa kinauukulan,” saad ni Gil.
“Nais kong iparating sa kinauukulan ang aming hinaing dahil kawawa po kaming nagtitinda sa tiangge. Ngayon lang po kami nakakabawi simula noong pandemic pero papaano pa kami makakabawi kung talamak ang illegal vendor sa mga kalsada sa tiangge,” dagdag pa niya. ANBT
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON