January 19, 2025

ILLEGAL ONLINE GAMING RECRUITMENT SCAMS, PATULOY PA RIN – TANSINGCO

Ipinahayag ng Bureau of Immigration (BI) ang patuloy na pagre-recruit ng mga sindikato sa mga Filipino na biktima ng trafficking sa ibang bansa upang magtrabaho sa mga illegal online gaming operations.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, patunay aniya ito dahil sa patuloy na pagharang ng mga immigration officers sa mga Filipino na nagtangkang umalis patungo sa ibang bansa matapos tanggapin upang magtrabaho sa ibang bansa para sa mga illegal gambling establishments.

“Many of these passengers, disguised as tourists, are usually bound for Thailand while others are destined for Cambodia or Myanmar. These recruitment scams show no sign of stopping,” ani Tansingco.

“This explains why our officers at the airport are doubly strict in allowing the departure of Filipino tourists with doubtful travel purpose. We are duty-bound to protect our citizens from being victimized by these trafficking syndicates,” dagdag nito.

Noong nakaraang Marso 8, isang babaeng pasahero ang pinahinto sa pagsakay sa kanyang flight papuntang Singapore matapos nitong aminin sa mga immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na ito ay na-recruit para sa isang offshore gaming company sa Thailand ng isang tao sa Facebook na nangako sa kanya na makakatanggap ng sahod na US$1,000 bawat buwan.

Gayundin, noong Marso 9 nang naharang sa NAIA Terminal 3 ang limang indibiduwal patungong Bangkok.

Ang lahat ng limang pasahero sa unang nagsabin na sila ay lehitimong mga turista at nag-claim na mga kaibigan na naglalakbay para sa isang bakasyon sa ibang bansa.

Gayunpaman, napansin ng mga immigration officers ang maraming hindi pagkakapare-pareho sa kanilang mga pahayag, kabilang ang mga pangunahing detalye tungkol sa kanilang paglalakbay at relasyon sa isa’t isa.

Noong araw ding iyon, dumating ang isang lalaking pasahero sa NAIA Terminal 2 matapos iuwi mula sa Myanmar kung saan ito nagtrabaho bilang crypto scammer sa ilalim ng hindi makatarungan at hindi makataong mga kondisyon.

Ikinuwento nito ang kanyang pinagdaanan gaya ng pagpilit sa kanya na magtrabaho ng 16 na oras sa isang araw, hindi makakain ng maayos at pananakit ng katawan ng kanyang mga amo kung hindi nito maabot ang kanyang quota.

Isa pang lalaking pasahero ang pinauwi noong Marso 15 sa NAIA Terminal 2 mula Cambodia kung saan ito inalok ng trabaho sa isang online casino.

“We hear these stories again and again, yet every day we still see victims being enticed to work abroad. We remind aspiring OFWs not to seek employment through illegal means, but through the Department of Migrant Workers to prevent abuse and exploitation,” paliwanag ni Tangsingco. JERRY S TAN