November 5, 2024

Illegal na sabungan sinalakay… PARAK TEPOK SA PANABONG NA MANOK

PATAY ang isang opisyal ng pulisya sa nangyaring pagsalakay sa ilegal na sabungan matapos siyang tamaan ng tari sa hita at mahiwa ang maselang ugat na femoral artery.

Nangyari ang naturang aksidente sa central province ng Northern Samat nang damputin ni Liutenant Christian Bolok ang isang panabong na kasama sa mga ebindensiya sa ilegal na sabong o tupada.

Tumagas ang dugo mula sa naturang sugat na ikinasawi ni Bolok, ayon kay provincial police chief Colonel Arnel Apud.

“It was an unfortunate accident and a piece of bad luck that I cannot explain,” saad ni Apud.

“I could not believe it when it was first reported to me. This is the first time in my 25 years as a policeman that I lost a man due to a fighting cock’s spur,” dagdag pa niya.

Samantala tatlo ang naaresto at dalawang panabong ang nasabat na may dalawang set ng tari sa ginawang pagsalakay sa bayan ng San Jose kung nagsisilbi si Bolok bilang hepe ng pulisya.