December 26, 2024

ILLEGAL NA ISTRAKTURA, ITINAYO SA WEST PH SEA

Kinumpirma ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana na may nakitang man-made structures sa may bahagi ng Pagkakaisa Banks o Union Banks na matatagpuan sa loob ng Kalayaan Group of Island (KIG) na bahagi ng Municipality of Kalayaan, Palawan.

Nadiskubri ang mga man-made structures sa isinagawang maritime patrols ng Western Command (Wescom) nuong Martes March 30,2021.

Ayon kay Chief of staff kanila ng naipaalam sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ang nasabing asunto na malinaw na paglabag sa soberenya ng Pilipinas.

Ayon kay Sobejana na ang The Laws of the Sea ang siyang nagbibigay sa Philippines ng “indisputable and exclusive rights” sa nasabing lugar.

Binigyang-diin ni Sobejana na ang ginawang construction at iba pang aktibidad sa lugar ay prejudicial to peace, good order, and security sa territorial waters ng bansa.

Siniguro naman ni Sobejana sa Sambayanang Pilipino na gagawin ng AFP ang kanilang mandato na protektahan ang national interest ng bansa sa nasabing lugar.

Sa ngayon, regular ng nagsasagawa ng maritime patrols ang Western Command sa West Phl Sea bilang bahagi ng kanilag constitutional mandate para protektahan ang soberenya at ang sovereign rights ng Pilipinas.

Bukod sa mga navy vessels, nagpapatrulya na rin ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Una ng sinabi ni chief of staff na hindi niya hahayaan na makapanakop pa ang China gaya ng ginawa nila sa Scarborough Shoal.

Una ng inihayag ng National Task Force- West Philippine Sea na nasa 200 pang mga Chinese Maritime Militia ang nakakalat ngayon sa ibat ibang lugar sa nasabing lugar.