
UTAS ang 18 katao habang lima ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa illegal na paggawaan ng paputok sa western India ngayong Martes.
Dahil sa lakas ng pagsabog, nagtalsikan nang malayo ang mga bato at bakal mula sa factory complex sa bayan ng Deesa sa Gujarat state.
“There was a huge blast in the factory causing the concrete roof to collapse, killing 18 people and injuring five others,” ayon kay government spokesman Rishikesh Patel.
Nag-o-operate ang nasabing factory nang walang kaukulang lisensiya, dagdag pa niya.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang naturang insidente.
Sikat ang mga paputok sa India, partikular tuwing Hindu festival ng Diwali at ginagamit kapag may kasal.
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE