November 2, 2024

ILL-ADVISED SI VICE / PH TAEKWONDO

Sa takbo ng political career ni Vice President Leni Robredo ay mistula itong isang headless chicken running berserk kagagawan ng mga nakapaligid sa kanya. Bakit ‘ika n’yo?

Kung anu- ano ang pinapagawa sa kanya ng mga adviser at kahanay sa oposiyon upang tirahin ang Presidente para lumabas na siya ay atat na mapabagsak ito at nang sa gayon ay siya ang hahalili na very unlikely sa isang bise presidenteng may delikadesa.

Ginawa siyang uto at pamato sa Malacanang pero sa halip ay sa kanya bumabalandra ang kanyang paninira. Sa totoo lang si VP ay may angking karisma na kanyang asset sana kung nagamit lang niya sa pamamagitan ng kanyang sariling bait at tunay na siya.

Ang siste ay namamamali siya ng political conviction. Nahanay siya sa partidong isinusuka ng mayorya dahil noong sila ang nakaupo sa poder ay napariwara ang bayan. May katiting pang panahon para makabangon si Vice. Huwag makinig sa sulsol, huwag hayaang kamuhian ka ng Sambayanan.

Ngayon ay namemeligro pati ang iyong puwesto dahil sa electoral protest. May maitutulong ba ang mga nanggamit kay VP Leni? Isalba ang karera political hangga’t may oras pa.

Hindi ito ill-advise, dear VICE!

ASEAN Speed Kicking Online ng PH Taekwondo

Pinalawig pa ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang muling pagsasagawa ng Speed Kicking Online Tournament— kasama na ang mga karatig -bansa sa Southeast Asia, pati na ang ibang mga lugar sa buong mundo na unang nagsimula sa Pilipinas ngayong taon, at naglalayong patuloy na maitaguyod ang pampalakasan kahit pa may kinakaharap na krisis dulot ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic.

Inihahandog ng PTA ang ikalawang bersyon ng Speed Kicking tournament na ASEAN Taekwondo Federation Speed Kicking Tournament katapat na ang ilang mga bansa na parte ng ASEAN kabilang ang Myanmar, Laos, Singapore, Indonesia at Vietnam, kung saan ay host country pa din ang Pilipinas na inaasahang manggagaling ang bulto ng mga kalahok mula sa iba’t ibang clubs, schools at universities sa bansa na magsisimula sa darating na Sabado, Oktubre 3.

Inihayag ni PTA grassroots director at ASEAN taekwondo Federation (ATF) secretary-general Stephen Fernandez na nais nilang ipagpatuloy ang naging matagumpay na kampanya ng unang torneo na sinimulan sa bansa noong Hulyo, gayundin ang mabigayan ng pagkakataon ang mga Kyorugi jins na magsagawa rin ng sarili nilang torneo na binabase sa Poomsae events gamit din ang virtual platform.

We can look forward on other aspects of training besides using online preparations. In this way we can also promote online instructional and virtual competition programs of the association and spearheading the program for the youth,” pahayag ni Fernandez nitong, Huwebes sa lingguhang TOPS: Usapang Sports sa online virtual session.

It is something very new, something that was brought about by the Pandemic. It is an innovation in the sport, but it is really something for all the kids from the children, to cadets and juniors to enjoy,” dagdag ni Fernandez, na tumatayo ring Deputy Secretary-General ng PTA.

Bukod sa isasagawang ASEAN tournament, sunod ring ilulunsad ang Global Speed Kicking Championship sa Oktubre 23-25 na inaasahang lalahukan ng mga taekwondo jins sa 30-40 nation sa buong mundo, kung saan nagpahayag na ng kanilang pagsang-ayong sumali ang mga koponan mula sa Europa at North America.