Matapos ang pitong buwan, muling nagbukas ang ilang sinehan sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Isa na rito ang mga sinehan sa SM Legazpi sa Albay.
Bago makapasok ay kailangang mag-fill out ng health declaration form, dumaan sa temperature check at mag-alkohol. Kailangan din na naka-face mask at face shield.
Mayroon na ring barrier sa cashier sa pagbili ng ticket, gayundin sa pagbili ng popcorn, at bago makapasok sa sinehan ay kailangan mo muling mag-alkohol.
Sa loob ng sinehan ay bawal nang magkatabi iyong mga may ka-date o kasamang manood ng sine dahil may tatlong upuang pagitan para sa bawat tao.
Sa ilalim ng MGCQ ay 30 percent capacity lang ng sinehan ang papayagan.
Sa ngayon ay tatlong cinema lang sa SM Legazpi ang nag-resume ng operation at ang dating 109 na sitting capacity nito ay 27 na lamang ang pinapayagang makapasok.
Isa sa pinakamalapit na sinehan sa Metro Manila na nagbukas na ay sa SM Masinag sa Antipolo, Rizal.
Samantala hindi pa rin bubuksan ng Robinsons ang kanilang mga sinehan kahit na nasa ilalim na ng MGCQ.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA