September 7, 2024

Ilang shows ng ABS-CBN, balak ipalabas sa TV5

Napabalitang ilang shows ng ABS-CBN ang balak ipalabas sa ibang network. Kabilang dito ang ‘Home Sweetie Home’.

Ayon sa source, balak sanang ikasa sa TV5 ang palabas. Gayunman, hindi ito uubra dahil copyright ito ng nasabing network.

 “Hindi puwede kasi ABS-CBN license ‘yun,” ayon sa source.

Dahil sa wala na sa ere ang Dos, may sitsit na ilang programa nito ang balak ikamada sa TV5. Pero, imposible aniyang ipalabas ang sitcom na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Gayunman, wala naman daw negosasyon ang nangyayari sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.Ngunit, may balita ring ilang artista ng Kapamilya ang inalok na gumawa ng serye.

Pero, blocktimer ang peg nila.  Ilan sa mga artista ng Dos ang mayroon ang shows sa Kapatid Network ay sina Jessie Mendiola at Pokwang.