December 25, 2024

ILANG PROYEKTO PARA SA KAAYUSAN NG IRIGASYON SA BANSA, TINIYAK NG NIA

NIA Administrator Benny Antiporda

NAKIPAGPULONG si National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda sa Irrigation Management Office Managers ng buong bansa.

Layunin ng nasabing pagtitipon  na ipaalam ang kagalayan o status ng irrigation development sa Pilipinas, gayundin ang mga kasalukuyan at ipatutupad pang programa at proyekto sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nais rin ng NIA na makakuha ng mga rekomendasyon at feedback kung papaano pang lalong mapagbuti ang mga programa ng ahensiya at ang magiging ambag nito na may kaugnayan sa agricultural development sa bansa at economic upliftment ng mga magsasaka.

Ang naturang hakbang ng ahensiya ay bilang suporta sa plano ni Pangulong Marcos Jr. na buhayin ang irrigation system sa Pilipinas at tiyak na lahat ng Pinoy ay makikinabang dito sa tulong ng NIA.