
Marami mga buntis na babae ang nabigyan ng kaalaman tungkol sa pagdadalan-tao ng mga nanay o mga bagong mommy sa inilunsad na “Buntis Caravan,” ni Konsehal Alex Mangasar sa Caloocan City.
Ayon kay Mangasar, layon ng kanyang programa na magabayan ang mga buntis tungo sa mahusay na pangangatawan.
Kabilang sa mga nahatiran ng serbisyo ng Buntis Caravan ni Mangasar ay ang mga buntis na residente ng Barangay 120, 119, 118 at 128 sa naturang lungsod.
Nakatanggap din ang mga ito ng starter kits mula sa naturang konsehal.

More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
QC Todo na sa Kalikasan! Fashion Show, Tree Giveaway at Plastic Ban, Tampok sa Earth Day 2025
REBELDE NA NANUNOG NG SIMBAHAN SA ILIGAN, ARETADO SA BUKIDNON