December 24, 2024

ILANG PBA PLAYERS, NAGSALITA NA KAUGNAY SA GAME PITTING SA VISMIN SUPER CUP

Ibinulalas ng ilang players ng PBA ang kanilang opinion sa controversial na laro sa Pilipinas VisMin Super Cup game pitting. Ito ay sa pagitan ng ARQ Builders-Lapu-Lapu at Siquijor.

Sa kabila aniya na magkaiba sila ng pro leagues, iisa ang din naman ang kanilang community.

Nakatawag pansin kasi ang nakakainis na laro na natigil dahil sa technical difficulties sa halftime. Na may score na 27-13 pabor sa Heroes.

Ayon kay Magnolia guard Paul Lee, mapalad ang players ng VisMin dahil nakapaglaro sila. Habang ang PBA ay nakatengga lang.

Nadismaya rin si Lee sa laro na kwestiyunable ang ilang senaryo. Kagaya ng air-balled free throws, botched fastbreak attempts at mind boggling turnovers.

 “Madaming player ang nawalan ng trabaho ngayong pandemic at gustong-gusto maglaro. Kayo ‘yung mga pinagpala para makapaglaro tapos ganyan.”

“Hindi ako perfect sa laro pero madaming questionable dito para sa akin,” sabi ng the three-time PBA champion.

Rumesponde naman si Kiefer Ravena ng NLEX tungkol sa nasabing laro.

 “Sana hindi tularan ng mga bata ito, lalo na ‘yung nasa Visayas at Mindanao kasi para sa kanila ang ligang ‘yan — para meron silang sarili nilang liga.”

“Pero kung ganito ang gagawin nila… Sana puyat lang sila, kulang sa extra work, masama ang gising, o kahit anong dahilan at hindi dahil sa mga comments ng karamihan ng tao,” aniya.

Sinabai naman ni San Miguel Beermen CJ Perez na bigyang galang ang laro. “Honor the game.”

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng Games and Amusement Board ang kaduda-dudang laro.