Ilang mga magulang dito sa lungsod ng Maynila ang nangangamba pa rin para sa kani-kanilang mga anak ngayong unang araw ng pasukan
Partikular sa ilang paaralan sa elementarya hanggang sa junior high school.
Ilan kasi sa mga magulang ay nag-aalala dahil ngayon na muling papasok ang kanilang mga anak matapos ang higit dalawang taon na pananatili sa tahanan bunsod ng COVID-19 pandemic.
Magkaganoon pa man, nagtutulong-tulong pa rin ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at pamunuan ng mga paaralan na kausapin ang mga magulang upang mawala ang kanilang mga pangamba.
Giit ng ilang mga guro, walang dapat ipag-alala ang mga magulang dahil sa oras na pumasok na ang mga bata sa paaralan ay sa oras ng uwian na lamang sila makakalabas.
Pagdating naman sa usapin ng kalusugan, may mga nakatalgang health and safety officer sa kada paaralan at mga isolation facility bukod pa sa mga alcohol at temperature checking.
Sa kasalukuyan may mga magulang pa rin ang nananatili sa labas ng paaralan dito sa Bacood Elementary School at ayon sa kanila mamaya-maya at uuwi rin sila dahil baka biglang may kailanganin ang kanilang mga anak.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA