Nagtataka umano si Chief Justice Diosdado Peralta kung bakit masyadong matagal ang filing ng kaso para sa mga indibidwal na lumabag sa quarantine protocols.
May kaugnayan ito sa naglabasang impormasyon na may ilang quarantine violators ang nakakulong pa rin hanggang ngayon kahit lagpas na ito sa araw na nakasaad sa batas.
Ayon kay Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Domingo Cayosa, tunay na nakakabahala ito lalo na at naglabas ng circular ang Supreme Court noong Abril kung saan inaatasan nito ang mabilis na pagpapalaya ng mga quarantine violators.
Base sa datos ng Joint Task Force COVID Shield ay aabot na ng halos 500,000 quarantine violators ang kanilang nahuli sa buong Pilipinas simula noong Marso 17 hanggang Oktubre 27.
Sa nasabing bilang, mahigit 125,000 sa mga ito ang inaresto at 300 ang nakakulong pa rin.
Una nang iminungkahi ng IBP na patawan na lamang ng community service ng mga otoridad ang mga pasaway na inbidwal kaysa ikulong. Mas makapagtuturo aniya ito ng leksyon sa mga mahuhuli.
Nilinaw naman ng JTF COVID Shield at Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi nila kinulong ang mga violators na lumabag lamang sa protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at pagsunod sa curfew.
Dagdag pa ng mga otoridad, ang mga ikinulong at sinampahan ng criminal cases ay nabatid na may iba pa palang nilabag sa batas bukod sa health protocols.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA