Nagdeklara ng localized enhanced community quarantine (ECQ) ang lokal na pamahalaan ng Pasig City sa ilang lugar sa lungsod dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19.
Epektibo ngayong araw, July 20, ang localized ECQ sa Ventura Compound, F.Mariano, Barangay Dela Paz. Isinalalim din sa LECQ nitong Hulyo 19 ang ilang kalye sa siyudad kabilang na ang Pipino, Labanos, Okra at Ubas.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, magiging epektibo ang lockdown hanggang sa bumaba ang kaso ng virus sa naturang mga lugar.
Dagdag pa ng alkalde, bibigyan ng food packs ang mga apektadong residente.
Nitong Sabado, nakapagtala ang Pasig City ng 1,212 COVID-19 cases, habang
661 ang nakarekober at 94 ang namatay.
Kasunod nito humingi ng kooperasyon ang alkalde sa kanyang mga kababayan.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA