Kinumpirma ni National Task Force Against Covid chief implementer Carlito Galvez Jr. na ilang lugar sa bansa ang isasailalim sa mas mahigpit na quarantine protocols pagkatapos ng Hulyo 15.
Sinabi ni Sec. Galvez, sanhi ito ng patuloy na patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa matapos luwagan ang mga ipinaiiral na protocol para mabuksan ang ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Sec. Galvez, posibleng magiging localized o mga barangay, bayan o lungsod na mataas ang COVID-19 cases ang ilalagay sa mas mahigpit na quarantine protocols.
Bukas, may pulong pa daw ang Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) para bumuo ng rekomendasyon at iaanunsyo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Miyerkules.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA