Nag-umpisa na mga Cabalen ang pagpasa ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbo sa halalan 2022. Dito ay nalaman na natin ang mga confirmed na tatakbo sa target na posisyon.
Gayunman mga Cabalen, may di yata tamang napapansin ang otoridad. Hindi kasi nasusunod ang safety and health protocols sa pagpasa ng COC. Kung makikita n’yo sa isang file ng video, dikit-dikit na nagmartsa ang mga supporters ng bawat candidates.
Para kasama sa prosisyon ng piyesta ang arrived. May marching band pa na parang tumutugtog sa ponebre! Ano ba yan?!
Animo’y mga kulisap na pumaparada at nagpapansin sa mga pulis na nakabarikada sa COMELEC. Baka sumipa ang virsu niyan dahil sa filing. Huwag naman sana.
Nawala na ang social distancing. Tsk! Dito pa lang, makikita mo na ang imahe ng isang kandidato sa kilos ng kanyang mga taga-sunod. Papaano nito susundin ang batas, kung sa simpleng minimum public health safety protocols ay di na masunod. Kaya nga napansin ito ni PNP chie Gen. Guillermo Eleazar.
Nakiusap ito ng personal sa mga politikong kakandidato at supporters nila na irespeto ang patakaran ng COMELEC. Gayundin ang alitutuning ipinatutupad ng pamahalaan.
Dapat may public safety pa rin sa pagfile ng COC. Sana, igalang at sundin ng kakandidato ang patakarang ito. Huwag nang haluan ng gimik ang paghain ng kandidatura sa mga susunod na araw.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino