December 24, 2024

ILANG KAMPO AT ARI-ARIAN NG PNP IPAPANGALAN SA MGA HUWARANG PULIS

WALONG kampo at iba pang ari-arian ang ipinangalan at binigyan ng bagong pangalan sa mga dating pulis na nakabigay karangalan sa bansa at hindi matatawarang pagpapatupad ng tungkulin.

Nagpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Proclamation Nos. 429 at 430 para sa dahilang ito, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Sa ilalim ng Proclamation No. 429 nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Disyembre 20, ipinangalan at muling ipinangalan ni Pangulong Marcos ang mga sumusunod na property gaya ng “isang donated na lote sa PNP sa Pasacao, Camarines Sur bilang Camp Brigadier General Ludovico Padilla Arejola; isang donated na lote sa Police Regional Office-5 (PRO 5) bilang Camp Captain Salvador Jaucian del Rosaro, Sr; Camarines Sur Police Provincial Office bilang Camp Colonel Juan Querubin Miranda; 50th Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 5 bilang Camp Police Max Jim Ramirez Tria; at Camp Efigenio C Navarro, PRO MIMROPA Headquarters bilang Camp Brigadier General Efigenio C Navarro.”

“It is fitting to give honor to former servicemen who have shown patriotism, courage, and dedication in serving the country and the provinces to which they are assigned, and distinguished themselves in their service to the nation, by way of naming and renaming PNP facilities in their honor,” sinabi ni Pangulong Marcos.

Samantala, sa ilalim ng Proclamation No. 430 na nilagdaan din ni Bersamin noong Disyembre 20, ipinangalan ni Pangulong Marcos at muling ipinangalan ang mga sumusunod na property sa mga sumusunod:

Police Regional Office 12 ng General Santos City bilang Camp General Paulino T. Santos, Police Regional Office 12; Biliran Police Provincial Office bilang Camp Private Andres P. Dadizon, Police Regional Office 8; at
Camarines Sur 1st Provincial Mobile Force Company Headquarters bilang Camp 2LT Carlos Rafael Paz Imperial, Police Regional Office 5.

Tinukoy ni Pangulong Marcos ang Seksyon 2 ng Republic Act No. 10086, o Strengthening People’s Nationalism sa pamamagitan ng Philippine History Act sa pagpapangalan at muling pagpapangalan sa PNP camps at properties.

Ang nasabing probisyon ay nagpapalakas ng “people’s nationalism, love of country and respect for its heroes at pride for people’s accomplishments.”