Sa kabila ng sama ng panahon at limitado lang sa publiko ang makapapasok sa simbahan dahil sa COVID-19, dumalo pa rin ilang deboto sa Banal na Misa sa labas ng Quiapo Church sa Maynila ngayong araw. (Kuha ni NORMAN ARAGA)
HINDI napigilan ng sama ng panahon ang ilang deboto ng Itim na Nazareno para makadalo sa Banal na Misa ng Simbahan ng Quiapo.
‘Yun nga lang ay hindi lahat ng deboto ay makapapasok sa simbahan dahil limitado lang sa sampu ang pinapayagang makadalo sa bawat Banal na Misa.
Bukod sa face mask, kinakailangan ring na nakasuot ng face shield ang mga magsisimba.
Tsinitsek din ang temperatura ng mga papasok sa simbahan at dini-disinfect ang kanilang mga kamay.
Habang ang mga hindi nakapasok ay sa Plaza Miranda na lamang pumesto.
Nasusunod naman ang physical distancing.
“Kapag deboto ka, talagang kailangang makapagsimba ka every Friday… Lalo na ngayon GCQ na puwede na…” ayon sa isang deboto na si Evangeline Dabuet.
May mga oras din na papayagang makapagdasal sa loob ng simbahan kapag walang Banal na Misa pero limitado lamang ang mga debotong papasukin.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA