January 22, 2025

Ilang business establishment sa Antipolo City, ipinasara

DAHIL sa paglabag sa health protocol na pinaiiral ng ng Department of Health, agad na ipinasara ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang ilang business establishment sa Antipolo City sa lalawigan ng Rizal.

Sa post sa social media ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares, nagsagawa ng surprise inspection ang mga official at tauhan ng BPLO sa kahabaan ng M. L. Quezon Street, Antipolo City kung saan ay naaktuhan ang ilang establishments na hindi sumusunod sa health guidelines.

Sa nasabing inspection, ay nagulat ang ilang negosyante nang mahuili sila sa akto ng BPLO na hindi nakasuot ng facemasks at hindi nakasusunod sa physical distancing.

Bukod dito huli rin sa akto ang mga business establishment na walang ginagamit na thermal scanning, walang sanitizers at disinfectants.

Kabilang sa mga ipinasara  ay ang  mga tindahan ng bigas, isang  bakeshop, ang remittance center na Palawan Express Pera Padala at Green wealth poultry farm supply.

Tiniyak naman ni  Mayor Ynares na hindi magmumulta ang mga pinasarang violator na papayagan din aniyang makapag-operate muli kung mapatutunayang kaya na nilang sumunod sa mga health and safety protocols ng DOH.