April 2, 2025

Ika-7 “Libreng Operasyon sa Bingot” isinagawa sa Las Piñas City

ISINAGAWA ng Operation Hope Australia (ORHA) sa pakikipagtulungan ng Mead Foundation, Las Piñas City Medical Center at Villar Foundation ang kanilang ika-pitong “Libreng Operasyon sa Bingot” nitong Linggo, Marso 30. Walumpung (80) pasyente ang inaasahang makaka-avail ng libreng cleft lip at palate surgery sa taunang medical mission na ito. (DANNY BACOLOD)