November 6, 2024

IKA-6 ANIBERSARYO NG SAF 44, GINUNITA

Pinangunahan nina Secretary Mark A. Villar at Chief PNP PGEN Debold Sinas ang pag-alay ng bulaklak sa bantayog ng SAF 44 sa Headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City bilang paggunita sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) na nakipagbakbakan sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), anim na taon ang nakalilipas. (Kuha ni DANNY ECITO)


BINIGYAN ng 21 gun salute ang SAF 44 bilang pagkilala sa ginawa nilang kabayanihan sa nangyaring engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Ginugunita ang ika-anim na taon anibersaryo ng pagkamatay ng SAF 44 sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

Dumalo si PNP chief General Debold Sinas sa day of National Remembrance for SAP 44 kung saan nag-alay ito ng bulaklak sa bantayog ng SAP 44 headquarters

Kabilang din sa nag-alay ng bulaklak ay sina NCRPO Chief P MGen Vicente Danao at DPWH Sec Mark Villar at ang kasalukuyang hepe ng SAF na si Director MGeneral Bernabe Balva.

Naging emosyunal naman ang asawa ng isa sa mga nasawing SAF troopers.

Samantala, sinabi ni Sinas na ipinag-utos sa kanya ni Pangulong Duterte na i-neutralized ang mga kriminal group na pinaghihinalaang gumawa ng mga kaguluhan sa Sultan Kudarat sa Mindanao kung saan 12 ang namatay noong Sabado kasama ang isang miyembro ng SAF habang 4 naman ang sugatan. (Balita ni RUDY MABANAG)