PINASINAYAAN ngayon sa Lungsod ng Maynila ang ikalimang “walk-in” COVID-19 serology testing center na itinayo sa Ospital ng Tondo (OsTon) ngayong araw.
Ayon kay Moreno aabot sa 100 katao ang kayang suriin sa nasabing testing center sa loob ng isang araw, Lunes hanggang Biyernes simula alas-6 ng umaga.
Aniya, ang bagong bukas na ikalimang walk-in testing center ay kahalintulad ng mga naunang testing center na maaaring tumanggap ng residente at hindi residente ng Maynila basta magdala lamang ng ID
Kaugany nito, ibinahagi rin ni Moreno na matapos lamang ang ilang araw ay may panibagong laboratoryo ang bubuksan ng lokal na pamahalaan na lalong magpapalakas sa kampanya kontra COVID-19.
Kabilang sa mga nauna nang binuksan sa publiko ang apat na libreng walk-in testing center, ang Ospital ng Sampaloc, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center at at Ospital ng Maynila.
Bukod sa mga ito ay may libreng drive thru COVID-19 testing center na matatagpuan sa Kartilya ng Katipunan at Quirino Grandstand, habang ang Mobile Serology Clinic naman ay tuloy-tuloy na bumababa sa mga barangay upang maghandog ng libreng pagsusuri sa mga residente.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY