UMABOT na sa 29 ang kabuuang mga petisyon na inihain sa Korte Suprema laban sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Law.

JHUNE MABANAG / AGILA NG BAYAN
Kaninang umaga, nagtungo sa Korte Suprema sa Padre Faura sa Maynila ang mga abogadong miyembro ng National Union of People’s Lawyers-National Capital Region (NUPL-NCR) para ihain ang Petition for Certiorari and Prohibition, na humiling ng Temporary Restraining Order (TRO) at Preliminary Injunction laban sa Anti-Terrorism Act.
Pinadedeklara rin nila na “null and void” ang buong batas o Republic Act. 11479 o ang Anti-Terrorism Act.
Kabilang sa petitioners ay mga lider ng Sangguniang Kabataan at iba pang youth groups mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Una nang inanunsyo ng Korte Suprema na posibleng sa ikatlong linggo ng Setyembre, simulan na ang oral arguments para sa naunang mga petisyon kontra Anti-Terror Act.
More Stories
“Pasig Deserves Better: Mas Mura, Mas Marami, Mas Makatao”
RCBC ATM Go, Magiging Bukas na sa Foreign Tourists: Mga Sari-Sari Store, Gagawing Mini-Bank sa Mga Tourist Spot
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa