December 26, 2024

Ika-236 kaarawan ni Francisco Balagtas, ipagdiriwang sa Maynila at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

Ipagdiriwang ng lungsod Maynila at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at institusyon ang ika-236 kaarawan ni Francisco Balagtas sa Abril 2, 2023, 7:30 ng umaga sa Liwasang Balagtas, Pandacan sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak.

Inaasahang dadalo ang iba’t ibang kinatawan ng ahensiya ng pamahalaan at institusyon kabilang ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Aklat (NBDB), Samahan ng Sining at Kalinangan ng Pandacan (SSKP), at mga lingkod bayan ng lungsod Maynila.

Dadalo rin si Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Ang tradisyonal na pag-aalay ng bulaklak kay Balagtas ay gaganapin din sa Orion, Bataan at Balagtas, Bulacan.

Ang selebrasyon sa Araw ni Balagtas sa taong ito ay may temang, “Si Balagtas at ang Kaniyang Pluma sa Kapayapaan”.