Muling uupak sa lona si undefeated Ifugao boxing sensation Carl Jammes Martin. Halos one year ding di nakatuntong sa boxing ring si Martin.
Kaya, bago matapos ang taon, sasalang ang 21-anyos sa ikakasang Omega Sports International (OPSI). Ang boxing event na ito ay style bubble na ikakasa sa Mandaue City sa Cebu.
Pinayagan na kasi ng IATF ang muling pagbabalik ng boxing sangayon sa rekomendasyon ng Games Amusements Board (GAB).
Ayon kay Je-eil Martin, nakatatandang kapatid at manager ng boxer, nakausap nito si OPSI vice president Jerome Calatrava.
Kung saan, naghahanda ito ng 2 boxing cards sa idaraos sa December 18 sa International Pharmaceuticals, Inc. (IPI) compound sa Mandaue. Si Martin ay may boxing record na 15-0, 14 knockouts. Ang kanyang ama ang nagsisilbi niyang trainer. Siya ay tinaguriang ‘ The Wonder Boy’ at ‘Ifugao Pride’.
“Hopefully we can reach a deal with them. It’s hard to put up a promotion these days and we’re still lucky OPSI has expressed their willingness to open up a slot for my brother,” ani Je-iel.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na