
Inatasan ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber 1 ang prosekusyon na isumite ang lahat ng ebidensya na gagamitin laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte hindi lalampas ng Hulyo 1, kaugnay sa kasong crimes against humanity.
Ayon sa ICC, kabilang sa mga kailangang isiwalat ay ang:
- Mga pahayag ng saksi at pagsasalin nito
- Mga ebidensyang pabor sa akusado (exculpatory)
- Mga dokumentong may kaugnayan sa depensa
Hindi na isasama ang anumang ebidensyang isusumite pagkatapos ng Hulyo 1 sa gagawing pagdinig para sa kumpirmasyon ng mga paratang.
Nabanggit ni ICC Prosecutor Karim Khan na may inihahandang:
- 2 saksi,
- 16 oras ng audio-video recordings, at
- halos 9,000 pahina ng dokumento
Samantala, pinayagan pa rin ng korte ang prosekusyon na magsumite ng mga ebidensyang pabor sa depensa kahit lampas na sa deadline, basta’t sumusunod sa itinakdang proseso.
More Stories
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
VP SARA SUMIPOT SA DOJ PARA SAGUTIN ANG REKLAMO SA BANTA SA MGA MARCOS
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification