November 17, 2024

IBP DAPAT MAGSALITA NA SA MGA ISYUNG APEKTADO ANG SAMBAYANAN

Kinakailangang manindigan at magsalita ang mga abogado patungkol sa mga legal issues na nakakaapekto sa bansa at buong komunidad ng mga Filipino.

Ito ang pangunahing ipinunto ni Atty.  Antonio  C.  Pido, ang bagong halal na National President ng Integrated Bar of the Philippines o IBP, na pinanumpa sa tungkulin ng Supreme Court en banc.

Sa kanyang inaugural speech, binigyang-diin ni Pido na obligasyon ng pamahalaan na pagtibayin at isulong ang human rights at ang namumuong tensiyon sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Pido, na dating president ng IBP Samar Chapter at Governor  for  Eastern  Visayas  region, na legal ang isyu ng Pilipinas tungkol sa territorial seas na labis na nakakaapekto sa mga mangingisdang Filipino dahil sa pakikialam o pananàkop ng mga dayuhan.

Ang  IBP ay may responsibilidad na gisingin ang kamalayan ng publiko hinggil sa sinasabi ng batas sa mga naturang usapin.

Bukod kay Pido, kabilang din sa naluklok sa tungkulin ay ang mga sumusunod:

Allan Panolong,  Executive Vice President at Governor for  Western  Mindanao; Minerva  Taguinod,   Governor  for  Northern  Luzon; Kriden  Balgomera,  Governor  for  Greater  Manila;  Annalyn  Sherry  Hibo-Gamboa,  Governor  for  Bicolandia;  Pitero  Reig, Governor  for  Southern Luzon, Cres Tan,  Governor for Western Visayas, Marlo Destura,  Governor for Eastern Visayas at PN Trinidad, Governor for Eastern Mindanao.  Pinalitan ni Atty. Pido bilang national president ng IBP si Atty Burt Estrada na natapos ang termino noong June 30.