Nasikwat ni Obi Toppin ng New York Knicks ang 2022 NBA ATT Slam Dunk Contest. Nakopo niya ang slam dunk trophy nang walisin si Juan Tuscano- Anderson ng Golden State Warriors sa finals.
Siya na ang ikatlong player ng Knicks na nagwagi sa nasabing competition.
Nagtala si Toppin ng 45 points sa first dunk sa finals mula sa 5 judges. Naglista naman si Anderson ng 39 points. Ngunit, nabigong isalpak ang dakdak sa ikalawang pagtatangka.
Kabilang sa sumali sa contest si Fil-Am Jalen Green ng Houston Rockets. Gayundin si Anthony Cole ng Orlando Magic. Nagposte si Green ng 83 points sa preliminary. Samantalang 70 points naman ang naitala ni Cole.
Nagsilbi namang mga judges sa slan dunk sina NBA legends Dominic Wilkins, David Robinson, Clyde Drexler, Julius Erving at Isiah Thomas.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!