Iniulat ni PCOL Glicerio C Cansilao, Provincial Director, Batangas PPO, kay PBGEN Antonio C Yarra, Regional Director, PRO CALABARZON, ang pagkakumpiska ng mga granada, baril, bala at iba pang mga gamit sa isinagawang paghahain ng search warrant sa Sitio Marecacawan, Brgy. Quipot, San Juan, Batangas nitong 10:20 AM hanggang 1:00 PM ng Hulyo 16, 2022.
Inihain ang search warrant ng mga pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit-Batangas PPO (lead unit), Office of the Provincial Director – Drug Enforcement Unit, Batangas Provincial Mobile Force Company/Special Weapon and Tactics, 403rd A MC, RMFB-4A, RID4A-RIT Batangas, RIU-4A, NISG Southern Luzon & San Juan MPS sa bahay ng suspek na si Jay R Urmenita Bas, 37 taong gulang, tubong Davao City ngunit kasalukuyang naninirahan sa San Juan Batangas.
Wala ang suspek sa kanyang tahanan ngunit nakumpiska mula sa bahay nito ang iba’t ibang kalibre ng baril tulad ng Cal. 5.56 rifle Colt, Cal. 9mm pistol, Cal 9mm Jericho, Armscor Cal. 40 pistol, mga magazine at bala ng iba’t ibang kalibre ng baril at mga pampasabog tulad ng rifle grenade with tracing bullet, MK 2 hand grenade fragmentation, M26A2 hand grenade fragmentation, at iba pang mga kagamitan.
Ang nasabing search warrant ay inilabas ni Hon Rosemarie Manalang-Austria, Presiding Judge of Regional Trial Court- Branch 87 ng Rosario, Batangas noong July 14, 2022. Samantala, inihahanda na ang mga dokumento para masampahan ng mga kaukulang kaso ang suspek..
“Ang matagumpay na pagkakakumpiska sa mga kagamitang nabanggit ay katunayan lamang na seryoso ang kapulisan sa pagtugis sa mga kriminal na sumisira sa kaayusan at kapayapaan ng lugar. Hindi po tayo titigil hangga’t hindi nahuhuli ang mga kriminal na ito,” ayon kay PBGen. Yarra.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA