MAYNILA – Naghain ng reklamo ang mga aktibistang grupo sa Commission on Human (CHR) ang mga aktibistang grupo, bilang pagtuligsa sa ginawang pag-aresto at pagkulong ng mga pulis sa 83 farmers at land reform advocates dahil sa pag-okupa sa pinag-aawayang lupa sa lalawigan ng Tarlac.
Ayon sa reklamo ng grupong Anakpawis at Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA), na may ginawang paglabag sa karapatang pantao laban sa tinaguriang “Tinang 83” matapos silang ikulong ng pulisya sa bayan ng Concepcion.
Ang Tinang 83 ay kinabibilangan ng mga magsasaka, aktibista, mamamahayag at estudyante na umokupa sa 2 hektaryang Hacienda Tinang noong Huwebes, para sa tinatawag nilang “bungkalan”.
Subalit inaresto sila ng mga kapulisan dahil sa naturang aktibidad at sinampahan ng kasong illegal assembly at malicious mischief matapos silang akusahan ng pulisya na winasak ng mga magsasaka ang taniman ng tubo na naroroon.
Limang dayuhan at tatlong researcher ang kasama rin sa inaresto, subalit pinakawalan din nang mapatunayan ng Office of the Tarlac provincial prosecutor na ang mga ito ay “tourists at bonafide overservers.”
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE