November 5, 2024

IBA KA TALAGA TE!


KAPAMU Iba talaga pag malapit ka sa kusina dahil madaling maulingan. Ibig sabihin kapag namahagi ng biyaya sigurado may masasalo ka. Naku siguradong sagana sa prebelehiyo.

Gaya na lamang mga Cabalen ni HR OIC L ng isang siyudad sa CAMANAVA  na ikinasasama ngayon ng loob ng mga rank & file sa city hall. Iba ka talaga Te!

Di-umano si Mam L na OIC  ay may  GF/BF sa ibang departamento ng city hall. Ang siste, mga Cabalen, naungusan pa ni jowa ang mga matagal na serbisyo. Kaya hinagpis ang mga nagseserbisyo ng totoo.

Alam ba ninyong ito daw si Mam L ng HR ay walang pagdadalawang isip na iniangat ang puwesto ng kanyang GF/BF  ng 7 steps sa antas ng suweldo nito at ang posisyon ay Supervising  Administrative Officer? Naku ha!

Ang ikinaiinis daw ng mga empleyado ng city hall na kahel ay bakit masyadong pinaboran ang jowa ni Mam L, eh may mas marami pang empleyado ang karapat-dapat sa posisyon nito.

Napag-alaman din ng inyong lingkod mula sa secretary’s office na ito palang alaga ni Mam L ay nag-resign na sa city hall at bumalik nang maging OIC itong si Mam at agad binigyan ng mataas na posisyon?

Tila napapalusutan si Mayor dito, ‘di kaya? Bakit po ang bilis ng promotion ni ate/kuya?

Ang tanong ng mga empleyado, bakit daw kapag sila ang nanghihingi ng promotion ang lakas ng tanggi at pinahihirapan ang mga may karapatang ma-promote?

Kung sa bagay, weather-weather lamang , ‘di po ba?

Pero ano kaya ang masasabi ni Mayor sa usaping ito ng mga empleyado? Kung  malaman kaya niya ito , gagawa kaya siya ng hakbang para maaksyunan ito?

ooo

Sino nga ba sa atin ang nakakaalam kung ano ang ating sasapitin hanggang matapos ang taong 2021?

Parating ang eleksiyon, maghahain na ng kandidatura ang mga nagpaplanong tumakbo sa ibat-ibang posisyon.

Eh paano na ang pandemiya? Papaano na ang kalagayan ng ating mga kababayan? Paano na ang problema  sa West Philippine Sea? Papaano na ang mga kalagayan ng  ating mga kababayan na  wala pa ding hanap-buhay? Tinakpan na ni Ateng Lugaw, community pantry at ni Angel Locsin.

Wala pa ding kasiguraduhan ang hanapbuhay dahil sa walang karapusang ECQ at ibat ibang Q. Bumagsak ang mga negosyo. Dahil sa bukas -sarang patakaran ng gobyerno. Ang mga lamesa ng mga kainan , labas pasok sa establisimiyento. Ang mga non-essentials sa mga malls nilalangaw dahil walang tao.

Hanggang kailan at hanggang saan nga kaya mamimilipit ang mga ordinaryong Pinoy?