Kaugnay sa papalapit nang pagdating vaccine, may plano si House Deputy Speaker Mikee Romero (1-Pacman Partylist).
Hangad ni Rep. Romero na maghain ng house resolution upang ma-prioritize ang national athletes.
Aniya, dapat nasa top list din ang mga PH athletes sa vaccination program ng gobyerno. Dapat na ikonsidera na frontliners ang mga atleta dahil nagsasakripisyo sila para sa bansa.
Naka-focus ang resolution sa first elite athletes na sasalang sa 2021 Tokyo Olympics sa July.
Gayundin sa 2021 Vietnam Southeast Asian Games sa November.
“Sa order of priority kasi, ang uunahin dyan are the senior citizens and the medical and military frontliners.”
“Ang mga athletes, baka nasa baba pa. So ang gagawin lang naman natin, papantayan lang natin ang mga frontliners,”aniya sa Philippine Sportswriters’ Association Online Forum.
Idnagdag din ni Romero na polisiya na ng International Olympic Committee (IOC) na vaccinated ang lahat ng atletang lalahok sa Olympics.
“That’s the standard ngayon ng IOC and the Tokyo Organizing Committee so I think it would be safe,” ani Romero.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2