December 26, 2024

‘HYBRID’ ECO PARK, ITATAYO SA CLARK


ENVIRONMENTAL SUSTAINABILITY.  Tinalakay ni Clark Development Corporation (CDC) Environmental Permits Division (EPD) Manager Engr. Rogelio Magat (ilalim) ang tungkol sa  development ng isang hybrid Eco Park sa Clark kasama sina CDC Communications Division Manager at main host na si Eric Jimenez (kanan) at co-host na si KC Bunag (kaliwa) sa live broadcast ng Clark in Action sa 105.5 UFM. (Screen capture mula sa 105.5 UFM FB)


CLARK FREEPORT – Dini-divelop na ngayon ng Clark Development Corporation (CDC) sa pamamagitan ng Environmental Permits Division (EPD) nito ang isang hektaryang pasilidad para gawing ‘hybrid’ Eco park.

Ito ang sinabi ni CDC-EPD Manager Engr. Rogelio Magat sa isang panayam sa radio-television program ng CDC na Clark in Action na inire sa 105.5 UFM at ibo-broadcast ng live via air cable ng Converge ICT.

Ayon kay Magat, ang Eco park ay three-year program na target na matapos sa 2023 at hinati sa tatlong phases.

Kabilang sa phase one ng development ng proyekto ay ang tree nursery upang magkaroon ng tahanan ang lahat ng endemic at native species ng mga puno, at pagpapatayo ng satellite office ng EPD.

Kasama rin sa proyekto ang pagbuo ng pasilidad para sa  Clark’s green wastes, vertical garden, at GreenHouse facility na nilagyan ng automated irrigation system.

“The facility will have solar panels so that its power will be run by renewable energy. There will also be Grey water harvesting (facility), and the lighting system will be LEDs,” dagdag niya.

Nagpapasalamat naman si Magat ang kanyang team kay CDC President-CEO Manuel R. Gaerlan sa pagsuporta sa naturang proyekto.

“The funding of the Eco park is from the current administration with so much support from President Gaerlan,” saad niya.

Umaasa state-owned firm na matapos na agad ang Eco park project para buksan sa publiko.