
TINATAYANG halos P700,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si alyas “Medic”, 42, car painter at residente ng Brgy. Bagbaguin, Sta Maria Bulacan.
Ayon kay Col. Cayaban, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joan Dorado ang buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA matapos magawang makipagtransaksyon ng isa niyang tauhan sa suspek.
Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong ala-1:10 ng madaling araw sa harap ng Rusi motor sa M.H. Del Pilar Road, Brgy. Arkong Bato.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 101 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P686,800, buy bust money na isang tunay P500 bill at walong P1,000 boodle money, cellphone, sling bag at P200 cash.
Sinabi ni SDEU investigator P/MSgt. An Liza Antonio, nakatakda nilang sampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002) sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE