
TINATAYANG nasa P3.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang High Value Individual (HVI) drug suspect matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.
Sa ulat, nagsagawa ang mga tauhan ni P/Major Jeraldson Rivera, hepe ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) ang buy bust operation, sa koordinasyon sa Malabon City Police Station SDEU, Caloocan SWAT, Caloocan Police Sub-Station 14 at PDEA.
Matapos matanggap ang signal mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na positibo na ang transaksyon, agad pinasok ng mga tauhan ni Major Rivera ang isang bahay sa Block 18, Phase 12, Brgy. 188 at dinamba ang suspek dakong alas-2:54 ng madaling araw.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 520 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P3.5 milyon at buy bust money.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isinampa ng DDEU laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
Pinapurihan naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng NPD ang mga operatiba ng DDEU at lahat ng operating team para sa kanilang dedikasyon at koordinasyon sa matagumpay na operasyon.
More Stories
Kailan Malilinis ang Pangasinan sa Salot na Sugal?
Islay Bomogao todo-handa para sa IFMA World Championships; target ang tagumpay sa Muay Thai sa Turkey
SSS, Pinalawak ang mga Programang Pautang para sa mga Miyembro at Pensyonado