January 25, 2025

Huwag takutin, sa halip palakasin ang loob ng ating mga kababayan tungkol sa COVID-19 cases sa bansa

Nakababahala minsan ang ulat ng ilang mamamahayag tungkol sa bilang ng COVID-19 dito sa ating bansa.

Habang tinitipa ang suplementong ito, nakapagtala ngayong araw ng 1,952 dagdag kaso. Gayunman, 291 ang gumaling at 34 ang pumanaw.

Nasa 26,784 ang aktibong kaso at 449,615 na ang gumaling at 9,398 ang kabuuang pumanaw.

Sa kabuuan, halos papalo nasa 500,000 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa. Ang di natin nagugustuhan sa iba, masyadong sensationalized ang ulat sa mga kaso.

Na para bang tinatakot pa ang mga tao. Kaya, ang iba, sub conscious mind ang nangyayari. Kala nila, may COVID-19 na sila. Kaunting ubo at sipon at lagnat minsan.

Pero, reaksyon ng katawan ng tao iyan sa impeksiyon o senyales ng paparating na sakit. Pero, naagapan naman.

Nais nating ipaalam ang totoo na kartamihan sa mga nasawi ay di sa COVID-10. Kundi, masasabi nating sa stress dahil sa ganyan. Ang iba ay sa depresyon.

Bakit? Dahil sa ipinatutupad na health protocol, tila nasa hawla ang mga tao. Hindi makalabas.

Mas marami pa ang namamatay sa kanser at atake sa puso. Sa halip na palakasin ang loob ay ilatag ang lunas, hayun, panay pakabog ng dibdib ng ulat ng ilang media.

Hindi dapat iugnay ang kaso ng ibang bansa kumpara sa atin. Dahil ang totoo, maliit ang bilang.

At bakit mahilig at masipag silang mag-ulat s amga patay-patay? Walang good news para guminhawa ang pakiramdam ni Juan de la Cruz.

Ang maigi siguro niolang iulat, bumubuti na ang lagay sa kaso dahil nababawasan. Pero, huwag magpakampante. Palakasin natin ang loob ng ating mga kababayan.

Sa gayun ay hindi sila mawalan ng pag-asa at lumakas ang kanilang loob na lumaban pa sa hamon ng buhay.