January 24, 2025

HUWAG NINYONG PUNUIN ANG SALOP!

KAYONG mga walang magawa kundi mag-isip na ibagsak ang pamahalaan sa anumang paraan, kwidaw kayo at malapit na raw mapuno ang salop.

Iilan lang ang mga magkaka-kutsaba upang agawin ang trono sa Malacañang pero maingay sila dahil sa ‘di na kataka-takang pagkiling ng biased mainstream media na palaging naka-highlight sa kanilang balita ang mga paninira ng mga pasaway na dilawan, pulahan, radikal na mga estudyante, kaparian, na nakipag- unholy alliance sa mga oligarko pero ang pronta nila ay para sila sa masang Pilipino.

Sila ang mga elementong kontra sa pagsulong ng kabuhayan ng sambayanan kaya kahit anong magandang nagawa ng kasalukuyang administrasyon ay dedma sila dahil ang talagang ang misyon ay palitan ang lider sa dikta ng mga oligarkong nagmamanipula nang mahihirap na kanilang ginagamit para lalong  mabundat ang yaman nila  at  maging kingmaker ng mga nais nilang maging pinuno ng bansa. Iyong kaya nilang  gawing robot na susunod para sa kanilang pabor.

Nakakalimutan ng mga salot sa lipunang ito na lahat nang pangako ni PRRD noong kampanya ay tinutupad niya.

Eradikasyon ng kriminalidad, kurapsiyon, droga, pag-ahon sa kahirapan at malasakit sa masa pati ang  build 3 na unti-unting natatapos, pagtaas ng sahod ng kasundaluhan at kapulisan kasunod ang mga guro at frontliners. Iisa na lang ang ‘di pa sinisimulan ni PDigong- ang federalismo.

Sa popularidad na tinatamasa niya sa kasalukuyan sa taumbayan at ang katiyakang nasa panig niya ang sandatahang lakas at Kapulisan, madali lang sa Pangulo na iimplementa ang pagbabago ng sistema ng gobyerno para sa ikabubuti ng mas nakararami.

Hindi pa ito gagawin  ni Presidente  dahil on top of the situation siya huwag lang siyang mapundi sa mga tolongges na oposisyon ay posibleng umabot na siya sa  napakahalagang desisyon.

Pero marami na sa ating kababayan ang pikang-pika na sa mga pasaway ng bayan.

 May mga kilusan nang nagsusulong ng revgov para sa federalismo at ang mga pasimuno ay ‘di basta- bastang individual. Mula rin sila sa sektor nang mga nakaaangat sa lipunan na ang adbokasiya ay tunay nang pag-asenso ng bayan ng wala nang  balakid.

Napakalakas ng kanilang puwersa at handa silang ilapit na sa Pangulo ang pagbabago ng gobyerno.

Dasal nila ay ayunan sila ng Punong Ehekutibo  sa Palasyo para matuldukan na ang mga maiitim na balak ng mga dilawan, pulahan etsetera.

Kayong mga salot…pasaway pa more!… ABANGAN!!