November 3, 2024

Huwag nawang umabot sa ating bansa ang UK Variant ng COVID-19

Isang manigong bagong taon sa inyo mga Cabalen. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Hangad ng inyong lingkod na maging okay ang pagdadala natin ng buhay. Ang tanong, ano naman kaya ang mangyayari sa susunod na mga araw?

Heto tayo, nakikipaglaban pa sa COVID-19. Hindi pa nga nakararating ang vaccine, may banta na naman sa ating kalusugan.

Pangglobo ito mga Cabalen at ito nga ang sinasabing second strain. Kinatatakutan din ngayon ang bagong anyo ng SARS-CoV-2.

Samakatuwid, ito ang UK Variant ng COVID-19 virus. Sa awa ng Diyos, hindi pa nakararating sa atin ang virus na ito.

Dobleng ingat talaga an gating gawin ngayon. Sapagkat, di natin alam ang mangyayari. Mabuti naman at ginagawa ng DOH ang kanilang tungkulin.

Nakikipag-ugmayan sila sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno. Sa gayun ay maikasa ang puspusang paghihigpit sa pagbabantay ng entry points sa bansa.

Gayunman, huwag nating iasa lahat sa otoridad ang pag-iingat at pagsasanggalang. Panatilihin at sundin natin ang health protocols.

Ingatan din ang ating mga sarili kaakibat na ligtas din ang ating mga mahal sa buhay. Ganyan an gating gawin habang hinihintay na dumating ang vaccine.

Ayon sa kinauukulan, target ng gobyerno na mabakunahan ang 5 milyong Pilipino. Harinawang huwag na tayong magdusa pa.

Magiging ligtas tayo kung magiging masunurin at magiging displinado. Kaakibat ang pagtitiwala sa Diyos.