Habang tutok ang ating gobyerno sa pagharap sa COVID-19, nagulat tayo mga Cabalen sa nangyaring pagsabog sa Lebanon.
Nag-aalala sa mga kababayan nating naapektuhan sa naganap 2 serye ng pagsabog sa Beirut port. Nagdulot ito ng pinsala sa mga kabahayan. Nabasag ang mga bintana at nasira ang mga buildings.
Mahigit sa isandaan ang nasawi sa malakas na pagsabog ng 2,750 tons ng Ammonium nitrate sa isang warehouse. Nasa 4,000 naman ang sugatan.
Nagdulot ito ng tila bolang apoy sa himpapawid ang pagsabog. Sinundan naman ito ng cyclone shockwave na nagpatag sa mga pantalan doon.
Ika nga ng mga tao roon, ang hugis kaboteng usok sa lunan ng ekplosyon ay tila bangungot ng atomic bomb noong Agosto 7 at 9 1945.
Ang nakalulungkot mga Cabalen, 2 Pinoy ang nasawi at 6 ang sugatan ayon sa ulat ng ating embahada. Dobleng dagok talaga ito sa sambayanan, di po ba?
Kaugnay dito, mabuti naman at nakikipag-ugnayan ang ating embahada sa Pinoy community roon. Mahalagang matulungan ang mga na-shocked nating mga kababayan.
Kailangan nila ng masasandalan sa trauma na nangyari sa kanila. Ayon kay DFA assistant secretary Ed Menez, nasa 33,000 ang nakatira sa Lebanon. Kung saan 75 porsiyento rito ay residente sa Great Beirut area.
Kung iisipin mga Cabalen, ang Lebanon ay humaharap din sa hamon ng COVID-19 pandemic. Tapos, heto, malalantad ang mga mamamayan doon sa exposure dahil sa pagkasira ng mga gusali’t kabahayan.
Tunay na mas miserableng lalo ang buhay ng mga kababayan natin doon. Hiling nga ng kanilang mga mahal sa buhay, umuwi na sila rito sa bansa. Ngunit, hindi nila maiwan ang kanilang mga trabaho.
Nawa’y pabayaan ng ating embahada ang ating mga kababayan sa Lebanon. Kung may gustong umuwi, nawa’y pauwiin. Sa gayun ay matiyak ang kanilang mabuting kalagayan at kaligtasan.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!