Mga Ka-Sampaguita, tunay at sadyang naiinis ako sa mga nagpapakalat ng fake news. Kaya nga, paulit-ulit natin itong hinihimay. Sa gayun ay mabigyan ng babala ang ating mga kababayan.
Ito pa ang isa sa kumakalat na fake news. Inuunahan ko nap o kayo at baka mao-share n’yo. Ala ‘e nagiging kasangkapan pa tayo niyan kapag pinost.
Kumakalat na sa PM sa Facebook na namatay daw ang anak na babae ni Russian President Vladimir Putin. Na ito ay si Katerina Tikhonova.
Sumailalim ang anak nito sa vaccine noong August 13. After 2 days, namatay na raw noong August 15. Naku po. Pati nga tayo napasahan niyan.
Pero, natuklasang fake na naman. Galing ang source ng pekeng balita sa website ng Toronto Today. Itong nasabing website ay kagagawa lang nitong buwan ng August.
Sinasabi sa isang artikulo nito na pumanaw ang anak ni Putin pagkatapos maturukan ng second dose ng COVID-19 vaccine.
Nagdusa raw ito sa side effects. Tumaas daw ang temperature nito sa katawan. Nagkaroon din ito ng seizure na sanhi ng pagkamatay nito sa Moscow.
Gayunman, walang statement dito ang Kremlin. Gayunman, wala namang ebidensiya na namagay nga ang anak ni Putin.
Ang nakatatawa rito, agad naniwala ang ilan sa isang source na hindi naman credible. Una, isang unnamed source na mula umano sa inner circle ng Russia. Ikalawa, galing sa Tarot card reading’ sa Youtube.
Kitam. Kapag nagpaniwala ka agad, yari ka. Unamin naman ni Putin na nagkaroon ng lagnat ang kanyang anak pagkatapos ng vaccine.
Pero, gumaling na rin agad ito dahil sa dami ng bilang ng anti-bodies. Isipin n’yo mga kababayan, isasakripisyo ba ni Putin ang anak niya kungpalpak ang bakuna?
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!