January 23, 2025

Huwag hayaang maging biktima ng fake news tungkol sa COVID-19 vaccine

Sadyang nakalalason ng isipan ang mga fake news, mga minamahal kong mga Ka-Sampaguita.

Kapag agad kang naniwala, para kang bulag na aakay din sa kapwa bulag. Kaya, pareho kayong mahuhulog sa hukay.

Kumakalat ngayon ang isang post sa social media na pumanaw na raw si Elisa Granato. Si Granato, isa ring scientist ay naging first volunteer sa UK Coronavirus vaccine trial.

Tinurukan ng vaccine si Granato noong Abril 24, 2020. Kalaunan, may kumalat na balita na namatay siya after 2 days. Napaulat din na ang 4 pang volunteers ay malala ang lagay dahil sa adverse reactions mula sa vaccine.

Pati rito sa Pilipinas ay kumalat ang balitang iyan. Sini-share ng mga netizens via PM. May ilan na tila naniwala. Kaya naman, nagsweeping conclusion ang ilan na masama ang bakuna sa COVID-19.

Kaya may ilan na nagsasabing, hindi sila magpapabakuna kahit meron ang bakuna. Pinalala pa ang sapantahang ito ng ilang kuro-kuro, na ang vaccine ay makasasama sa tao. Pakana umano ito ng Illuminati upang makontrol ang populasyon ng mundo.

Teka, papaano ba kumalat ang nasabing post? Saan ito nanggaling? Mula ito sa New NT, n5ti at Nigerian News. Pino-forward at pinopost naman ito sa social media kaya kumalat.

Kagaya halimbawa ng Pakistan ShowBiz, isang Facebook page. Gayundin sa Spiritual awaking into the Universe.

Nabulabog naman si Granato dahil sa balitang namatay siya. Kaya, nagpost siya sa Twitter na buhay siya. Nanawagan din siya na huwag nang ikalat ang artikulo na sinasabing namatay siya sa vaccine.

Gayung lumalaban tayo sa pandemya, mahalaga ang solusyon. Mahalaga ang bakuna. Huwag maniwala sa haka-haka at kuro-kuro.

Hindi naman tayo isasangkalan ng otoridad kung makasasama ang vaccine sa COVID-19. Mananagot sila kapag palpak ang bakuna BUhay ng bilyong tao ang pinmag-uusapan dito. Natitiyak nating hindi makalulusot ang kasinungalingan  gaya ng bakuna noon para sa mga bata na ‘Dengvaxia’.

Kaya, mga kababayan, huwag basta-basta tayo maniniwala sa artikulong pinapasa sa atin. Alamin muna kung totoo ito o hindi.